Sunday, September 25, 2016

PAG AALAGA NG MANOK

TAMANG UMPISA MAY MAGANDANG KITA SA ALAGANG BROILERS
Ang unang 24 oras ang pinakmaselan sa buhay ng ating mga “day old chick” o sisiw.  Kailangan ang lalong masidhing “attention” na maiayos ang farm bago dumating ang mga sisiw.
Heto ang mga sumusunod na payo na nakalap ng Greenline upang mapaghandaan ng maayos ang darating na sisiw sa unang araw nito:
Kalusugan – Walang kalusugan walang ganansya. Ang malusog at tamang timbang ng mga sisiw o “day old chick” ay lumalaki ayon sa semilya na pinagmanahan nang mga ito, kaya nga kailangan ang malinis at dekontaminadong lugar ang daratnan nito. Kailangan bakunado na rin ang sisiw galing sa hatchery. Huwag din pahintulutan makapasok ang mga di kailangan tao o bisita sa farm.
Hangin – Bigyan ng malinis, tamang init at preskong hangin na may masaganang “oxygen.” Dapat wala ang masangsang na amoy dulot ng “carbon dioxide at ammonia” gasses sa kapaligiran. Ang sobrang gasses sa paligid ay makasasama sa mga hayop at maaring ikamamatay din.  Ang magandang “ventilation” sa kabahayan ay makakaiwas sa masamang amoy ng hangin subalit ang preskong hangin ay di dapat makadulot ng pagkaginaw ng mga sisiw.
Brooding o Painitan – Mahina ang kontrol ng mga sisiw sa init at lamig ng katawan nila kaya mahirap sa kanila ang pabago-bagong temperatura.  Dapat sa sisiw ay nasa temperatura mula 880-920F o 310-320C sa unang 24 oras.
Tubig at Pagkain – Kailangan may pagkain at malinis na tubig ang mga sisiw 8 oras mula sa pagkapisa. Pag maantala ng matagal dahil sa mahabang biyahe kailangan bigyan sa loob ng kahon ang mga sisiw ng espesyal na pagkain na makakatulong sa di pagkatuyo ng katawan. Pag nakarating na sa kabahayan ang mga sisiw kailangan maengganyong makainom kaagad. May makabagong supplemento rin na naibibigay sa sisiw na makakatulong sa mabilis na pagkain at makaragdag sa resistensya sa sakit.  Mabibili itong “Chick Boost” sa Greenline.
Mga Gamit – Bago dumating ang mga sisiw dapat handang-handa na ang buong farm sa mga kailangan tulad ng sapat na espacio para sa mga sisiw, mga pagkain at painuman at malinis at tamang “litter material.” Kailangan din ang sapat na dami ng pakainan at painuman at ang maayos na paglalagay nito sa buong kabahayan upang madaling puntahan ng mga sisiw at hindi sila nagsisiksikan.
Pansapin o “Litter” – Bigyan ng kaukulang pansin ang gamit na pansapin sa sahig o “flooring” tulad ng sinunog na ipa ng palay at dyaryo, atbp.  Kung walang bagong makuhang sapat na pansapin palitan na lamang ang mga basa at nagsitigas na sapin. Sa unang 24 oras latagan ng dyaryo ang painitang lugar. Malaki ang tulong nito upang maiwasan ang contamination sa unang oras pagkatanggap ng mga sisiw.
Kalidad ng Tubig at Pagkain – Ang laki ng butil ng pagkain ay dapat matuka ng mga sisiw at ang tubig ay dapat gasing init ng kapaligiran.  Ang bagong pisang sisiw ay may 85 porsyentong  tubig.  Pag ang reseko nito ay may 10 porsyentong  nagiging “cull” ito at kung  20 porsyento  ang reseko pwedeng mamatay ang sisiw. Napakahalagang makainom kaagad at may sapat ang dami.
Kung may sapat na dami ng tubig ang nainom, tama ang init ng “brooder,” malinis at sagana ang hangin ang mga sisiw ay madaling maabot ang apat na bigat ng katawan mula sa pagkapisa sa loob ng isang linggo.
Conclusion:
Bago dumating ang sisiw sa farm, siguruhin na nahahanda ang lahat ng mga gagamitin at nasa tamang lugar na.
Sa tagal ng pagpapalaki na mga 864 oras o 36 araw bago ibenta, ang bawat oras ay 0.12 porsyento sa buhay nito kaya nga sa loob ng 24 oras may 2.80 porsyento ng “performance” ang maaring mawala.
Sa kabuuan, kung maganda ang umpisa may magandang kita ang alagang mga broilers.

source:greenline.ph

No comments:

Post a Comment